MIAMI--Matapos maitabla sa 1-1 ang kanilang NBA championship series ng Oklahoma City Thunder, pipilitin naman ng Miami Heat na maangkin ang bentahe sa Game Three bukas.
Makaraan ang dalawang laro sa Oklahoma City, tatlong laro naman ang pamamahalaan ng Miami sa kanilang title showdown para sa 2-3-2 format.
“Very excited,’’ sabi ni Heat guard Mario Chalmers. ‘’We get to play in front of our home crowd for the first time in the finals and we will be ready.’’
Ang panalo ng Heat sa Game 2 sa Oklahoma City ang nagbigay sa kanila ng home-court edge laban sa Thunder.
‘’Any time you drop a game, especially now, it’s not a good feeling, and it stays with you all the way up until you get another chance to redeem yourself,’’ wika ni Heat forward Chris Bosh. ‘’We’re pretty familiar with that feeling.’’
Naipatalo na ng Miami ang Game 3 sa Indiana sa second round ng Eastern Conference playoffs kontra sa Pacers para sa 1-2 pagkakaiwan sa serye kung saan naupo si Bosh dahil sa kanyang strained lower abdominal muscle at may knee injury naman si 2006 finals hero Dwyane Wade.
Sa Game 4, humakot si LeBron James ng 40 points, 18 rebounds at 9 assists para ipanalo ang Heat laban sa Pacers patungo sa kanilang championship wars ng Thunder.
Natalo rin ang Heat sa Miami sa Boston Celtics sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference finals para sa kanilang 2-3 agwat bago nagbida si James sa Game 6 mula sa kanyang 45 points, 15 rebounds at 5 assists para itulak ang Game 7.
Makarang matalo sa Game 1 sa Oklahoma City, bumangon ang Heat para kunin ang 100-96 panalo sa Game 2 tampok ang 32 points ni James, 24 ni Wade, 16 points at 15 rebounds ni Bosh at 17 points ni Shane Battier.
‘’We were a confident team even before that, and that’s why I think it’s important to always compartmentalize and not get too carried away with the result,’’ ani Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra.