Miami dedepensahan na si Westbrook sa Game 2
OKLAHOMA CITY--Natalo ang Miami Heat sa Oklahoma City Thunder sa Game One ng NBA Finals. At isa sa pinakamalaking dahilan ay ang kabiguan nilang depensahan si point guard Russell Westbrook.
Tumapos si Westbrook na may team-high 11 assists, 8 rebounds at 27 points para sa 105-94 tagumpay ng Oklahoma City kontra sa Miami sa kanilang best-of-seven championship series.
Maaaring makuha ng Thunder ang isang 2-0 lead sa Game Two ngayon sa Chesapeake Arena.
“I only know one way to play and that is to stay in the attack mode,” sabi ng 23-anyos na si Westbrook. “I can’t change my style now because it got me to this point. That is how my coach and my teammates want me to play and that is all that matters.”
Si Westbrook ang nagbigay sa Thunder ng kanilang unang bentahe sa Game One sa huling 16 segundo sa third quarter matapos ang kanyang three-point play para iwanan ang Heat sa 74-73.
Ayon kay Westbrook,maganda na ang kanilang tambalan ng 23-anyos ring si Kevin Durant.
“Kevin knows when two guys are on him he passes to me, so I have to stay in the attack mode,” sabi ni Westbrook.
Idinagdag pa ni Westbrook, na ang maaga nilang ratsada sa first quarter ang magbibigay sa kanila ng panalo sa Game Two.
- Latest
- Trending