^

PSN Palaro

Pacquiao 'di pa tiyak kung itutuloy ang rematch kay Bradley

- Abac Cordero - The Philippine Star

LOS ANGELES--Pinag-a­aralan ni Manny Pacquiao ang kanyang opsyon: maaaring muli niyang labanan o hindi na si Timothy Bradley sa isang rematch sa Nobyembre.

“Puwede mag-rematch, pu­wede hindi. It depends,” wika ng Filipino superstar sa kanyang kuwarto sa La Palazzo apartment.

Ngunit kung matutuloy ang rematch, sinabi ni Pacquiao na titiyakin niyang ito ay magiging kumbinsido.

“Wala nang judges,” wika ni Pacquiao na determinado nang pabagsakin si Bradley.

Sinabi ng dating WBO welterweight champion na natalo kay Bradley via a controversial split decision noong Linggo sa Las Vegas na pag-iisipan muna niya ito.

“If everybody else thinks that I won the match, then why do we have to do a re­match,” wika ni Pacquiao.

Malinaw na dinomina ni Pacquiao ang kanilang 12-round contest ni Bradley sa MGM Grand, ngunit na­talo naman siya sa mga mata ng judges, ang dalawa sa kanila ay umiskor ng magkatulad na 115-113 para sa American.

Ang isang judge ay nagbigay kay Pacquiao ng 115-113 iskor.

Ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ay humiling na ng isang imbes­tigasyon kaugnay sa nangyaring iskoran at nagsumite ng formal protest sa Attorney General’s Office sa Nevada.

Sinabi naman ni Nevada State Athletic Commission Executive Director Keith Ki-zer na isa-isa niyang ipapa­tawag ang tatlong judges kung paano sila nag-iskor ng laban.

 Ito na ang sinasabing pinakakontrobersyal na de­sisyon sa boxing histo­ry matapos matalo si Roy Jones kay Park Si-hun sa finals ng 1988 Seoul Olympics.

May nakalagay na re­match clause sa fight con­tract, ngunit nasa fighting Congressman na kung gusto niya itong mangyari sa Nobyembre.

Bago pa man ang laban ay ipinagyabang na ni Bradley na tatalunin niya si Pacquiao, at gumawa rin siya ng gimik para sa kanilang rematch.

ATTORNEY GENERAL

BOB ARUM

BRADLEY

LA PALAZZO

LAS VEGAS

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION EXECUTIVE DIRECTOR KEITH KI

NOBYEMBRE

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with