^

PSN Palaro

Kahinaan ni Pacquiao

- Abac Cordero - The Philippine Star

LAS VEGAS--Lumabas uli ang kahinaan ni Manny Pacquiao kapag ang ka­tunggali ay marunong umi­was sa mga pinakaka­walang suntok.

Ito ang inihayag ni Lito Mondejar, ang dating may-ari ng L&M Gym sa Sampaloc, Manila na kung saan si Pacquiao ay nagsanay noong nagsisimula pa lamang, na kanyang napansin sa huling laban kontra kay Timothy Bradley noong Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Natalo si Pacquiao sa laban sa kontrobersyal na split decision upang maisuko na ang hawak na WBO welterweight title sa walang talong si Bradley.

Naniniwala si Mondejar na dapat ay nanalo si Pacquiao dahil dominado niya ang laban, pero hindi rin niya napigil ang punahin ang mahinang ipinakita ng Pambansang kamao lalo na sa puntong nakapag-adjust at nakakaiwas na si Bradley sa mga malalakas na bigwas nito.

“Hirap si Manny sa mga kalaban na marunong lumubog. Lumubog na nang lumubog si Bradley at hindi na tumama si Manny,” wika ng 74-anyos na si Mondejar.

Ito umano ang dahilan kung bakit hirap din siya kay Mexican boxer Juan Ma­nuel Marquez na tinalo ni Pac­quiao noong nakaraang Nob­yembre sa pamamagitan din ng isang kontrobersyal na majority decision.

Idinagdag pa nito na mas kumportable si Pacquiao kapag ang kalaban ay handang makipagsabayan tulad nina Erik Morales, Os­car dela Hoya, Ricky Hat­ton at Miguel Cotto na hindi nagawang tapusin ang laban.

“Kapag tumayo ka sa harap ni Manny, patay ka,” paliwanag ni Mondejar.

Isang rematch ang balak gawin sa Nobyembre at inaasahang makagagawa na ng mas magandang plano ang kampo ni Pacquiao upang kontrahin ang palubug-lubog na istilo ni Bradley.

BRADLEY

ERIK MORALES

GRAND ARENA

JUAN MA

LAS VEGAS

LITO MONDEJAR

MONDEJAR

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with