^

PSN Palaro

LPGMA-American Vinyl maagang paghahandaan ang 2013 Ronda Pilipinas

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naglatag na ang LPGMA-American Vinyl ng ka­nilang programa upang mas mapaghandaan ang gaganaping ikatlong edis­yon ng Ronda Pilipinas pitong buwan mula ngayon.

Ang maagang prepa­rasyon ay kinakailangan matapos mabigo ang kopo­nang pag-aari nina LPGMA partylist representative Arnel Ty sa pagdepensa sa team title matapos maungusan ng dalawang minuto at 37 segundo ng nagkam­peong V-Mobile.

Pinuri pa rin ni Ty ang labang ipinakita ng kanyang koponan na binubuo ng mga siklistang sina team captain Irish Valenzuela, Cris Joven, Ronnel Hualda, Rudy Roque, Rustom Lim at Edmondo Nicolas habang si Renato Dolosa ang coach.

Si Valenzuela na isinubi uli ang King of the Mountain title, ay tumapos sa ika­la­wang puwesto sa indivi­dual overall title na kinuha ni Mark Galedo habang si Joven ang hinirang bilang Sprint King.

“Sometimes, things don’t go your way. But our riders, as well as the coa­ching staff, did their best and we’re proud of them,” wika ni Ty na katuwang si Eric Sy ang may-ari ng koponan,

Unang torneo na ka­nilang sasalihan bilang bahagi ng kanilang preparas­yon ay ang tatlong araw na karera sa Indonesia sa susunod na linggo.

Balak ding ilaban ang koponan sa mga local races at hahanap pa ng pu­wedeng salihan sa labas ng bansa para matiyak na kondisyon na kondisyon ang mga siklista sa pag­larga ng ikatlong Ronda sa Enero sa susunod na taon.

AMERICAN VINYL

ARNEL TY

CRIS JOVEN

EDMONDO NICOLAS

ERIC SY

IRISH VALENZUELA

KING OF THE MOUNTAIN

MARK GALEDO

RENATO DOLOSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with