^

PSN Palaro

Ang pumutok ng gold sa SEASA

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umani ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong bronze medals ang Pambansang shooters na ipinadala ng Philippine National Shooting Association (PNSA) sa 36th Southeast Asia Shooting Association (SEASA) Championships sa Petaling Jaya Malaysia.

Si Eric Ang ang siyang sinuwerte na manalo ng gintong medalya sa paboritong men’s individual trap upang iangat sa tatlo ang kabuuang gintong medalya na napanalunan na sa na­sa­­bing torneo.

 Ang unang dalawa ay nakuha noong 2007 edis­yon at limang taon matapos ito ay lumabas uli ang 41-anyos na si Ang bilang pinakamahusay sa Southeast Asia nang magtala ng kabuuang 134 puntos.

Pumangalawa kay Ang, kinatawan ng Pilipinas sa Beijing Olympics, si Hsu Ching Huang ng Chinese Taipei (130) at pambato ng Malaysia na si Bernard Yeoh (128).

Umasinta rin ang air rifle shooter na si Emerito Concepcion ng 2 me­­dalya.

Nakipagtulungan si Concepcion kina Jason Valdez at Celdon Arellano para manalo ng pilak sa team air rifle habang si Miguel La­peral ay pumangalawa sa junior trap.

 May bronze din si Concepcion sa men’s air rifle 3-position habang si Joelle Panganiban ay nanalo rin ng dalawang bronze.

BEIJING OLYMPICS

BERNARD YEOH

CELDON ARELLANO

CHINESE TAIPEI

CONCEPCION

EMERITO CONCEPCION

HSU CHING HUANG

JASON VALDEZ

JOELLE PANGANIBAN

MIGUEL LA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with