LAS VEGAS--Sa pagpasok ni Manny Pacquiao sa main press center para sa post-fight interview noong Linggo, mabilis siyang ipinakilala ni Bob Arum bilang ‘winner’.
“Welcome the guy you all saw winning the fight but didn’t get the decision except for the ‘three blind mice’,” sabi ni Arum.
Hindi sinabi ng Top Rank chief na biktima si Pacquiao ng masamang ‘officiating’.
Hindi sa Las Vegas kung saan walo sa kanyang 10 panalo ang kinuha ni Pacquiao at kung saan siya kumita at nagtagumpay sa malalaking laban.
Hindi rin sa MGM Grand.
“I hope boxing recovers from this. Everybody in boxing should be ashamed of this,” wika ni Arum.
Ilang nakakagulat na pangyayari na ang nasaksihan sa boxing at walang kasiguruhan kung mangyayari muli ito kahit na sa isang katulad ni Pacquiao.
Wala ring ginawang espesyal si Timothy Bradley para talunin si Pacquiao, at walang maisip na paliwanag si Arum.
“Look at punch stats and what you saw with your own eyes. No way I could explain it,” ani Arum.
Sinabi ni Arum na nagkamali ang mga judges sa pagbibigay ng panalo kay Bradley bagamat alam ng marami kung sino ang tunay na nanalo.
“These people don’t know how to score. They really don’t. They’re too damn old to judge anymore. What were they looking at?” ani Arum sa media.
Sinabi niyang ibang kaso ito kumpara sa nangyari sa laban ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez, iginiit na siya ang nanalo sa kanilang tatlong suntukan.
Sinabi ni Arum na mas mabuting kausapin ng media si Keith Keizer ng Nevada State Athletic Commission.
“They saw something we didn’t see,” sabi ni Arum.