Bolts 'di nagkamali kay West
MANILA, Philippines - Nakakuha ang Bolts ng isang all-around import.
Humakot ang bagong import na si Mario West ng 33 points, habang nagdag-dag ng 23 si Asi Taulava para igiya ang Meralco sa 100-95 panalo laban sa Alaska sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
“We found an import who can contribute on both ends, who has the intensity which rubbed off on his teammates, especially on Asi Taulava,” ani Bolts’ coach Ryan Gregorio kay West, pumalit kay balik-import Champ Oguchi.
May 2-3 baraha ngayon ang Meralco sa ilalim ng Rain or Shine (4-1), B-Meg (4-1), nagdedepensang Petron Blaze (3-2), Powerade (3-2), Barako Bull (2-2) at Barangay Ginebra (2-2) kasunod ang Air21 (1-3), Talk ‘N Text (1-3) at Alaska (1-4).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Boosters at ang Gin Kings habang isinusulat ito.
Umiskor naman ng 24 markers si balik-import Jason Forte para sa Aces kasunod ang tig-11 nina LA Tenorio at Bonbon Custodio at tig-10 nina Cyrus Baguio at RJ Jazu.
Mula sa 82-75 kalamangan sa third period ay kumawala ang Bolts sa fourth quarter matapos magtala ng isang 10-point lead, 87-77, sa pagbungad nito hanggang makalapit ang Aces sa 87-90 agwat.
Meralco 100 - West 33, Taulava 23, Bulawan 9, Cardona 9, Hugnatan 8, Mercado 6, Ross 4, Reyes 4, Artadi 4.
Alaska 95 - Forte 24, Custodio 11, Tenorio 11, Jazul 10, Baguio 10, Thoss 9, Espinas 8, Eman 6, Dela Cruz 4, Baracael 2, Gonzales 0.
Quarterscores: 23-30; 55-50; 82-75; 100-95.
- Latest
- Trending