^

PSN Palaro

NLEX, Big Chill unahan sa Game 1

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy nga­yon ng nagdedepensang NLEX ang kampanya upang makuha ang ikatlong sunod na titulo gamit ang 13-game sweep sa pagbangga sa palabang Big Chill sa pagsisimula ng best of three cham­pionships series sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang unang tagisan sa best of three series ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at ang mananalo ay hahawakan ang maha­lagang 1-0 kalamangan.

Madaling dinispatsa ng Road Warriors ang Blackwater Sports sa semifinals gamit ang 2-0 sweep habang kinailangan ng Super Chargers ang deciding Game Three bago pinataob ang Cebuana Lhuillier, 83-80, na nilaro noong nakaraang Huwebes.

Tinalo ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Super Chargers sa unang pagkikita, 80-70, pero ibang Big Chill ang kanyang haharapin dahil gumanda na ang takbo ng koponan sa­pul ng hinawakan ni coach Robert Sison matapos tanggalin ang dating mentor na si Arsenio Dysangco dala ng naunang kabiguan.

Taglay ng NLEX ang mas malalim na bench at mas de kalidad ang ka­nilang mga manlalaro tulad nina NCAA MVP Calvin Abueva, UAAP MVP RR Garcia, Emman Monfort, Ian Sangalang at Clifford Hodge na siyang nanalo bilang Best Player of the Conference.

vuukle comment

ARSENIO DYSANGCO

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

CLIFFORD HODGE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

SUPER CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with