Azkals handa na vs Indonesia

MANILA, Philippines - Ang ipinagmamalaking football team ng Pilipinas, mas kilala sa tawag na Philippine Azkals ay haharap sa tatlong agresibong football teams – ang Harimau Malaya (Malaysia), ang Garuda (Indonesia) at ang Guam Football Association.

Inilaan ng FIFA ang series ng international friendly games upang paglawakin pa ang teamwork ng bawat manlalaro.

Haharapin ng Azkals ang Garuda (Indonesia) sa June 5 (Martes) samantalang nakatakdang makipag­laro ang Philippine team sa Guam sa Araw ng mga Bayani, June 12 (Martes).

Abangan ang replay ng mga laro sa Balls. Ang laban ng Philippines vs. Malaysia na naganap noong June 1 ay ipapalabas sa Balls sa June 12 (Tuesday), ang Philippines vs. Indonesia sa June 14 (Thursday) at Philippines vs. Guam sa June 16 (Sabado), lahat sa alas-3:30 ng hapon.

Para sa mga upda­tes, pumunta sa www.balls­channel.tv at i-follow ang Balls sa Facebook sa facebook.com/BallsChannel at @ballschannel sa Twitter.

Show comments