^

PSN Palaro

Solo 2nd puntirya ng Boosters vs Aces

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng nagdedepensang Petron Blaze ang solong ikalawang puwesto, habang target naman ng Talk ‘N Text at Powerade ang kanilang ika­lawang sunod na panalo.

Haharapin ng Boosters ang Alaska Aces ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Tropang Texters at Powerade Tigers sa alas-4:15 ng hapon sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Kasalukuyang tangan ng Rain or Shine ang lide­rato mula sa malinis nilang 3-0 kartada kasunod ang Petron Blaze (2-1), B-Meg (2-1), Barangay Ginebra (1-1), Barako Bull (1-1), Alaska (1-2), Talk ‘N Text (1-2), Air21 (1-2) at Meralco (1-2).

Nanggaling ang Boos­ters sa 87-102 kabiguan sa Tropang Texters noong Mi­yerkules kung saan nag­bida sina Ranidel de Ocampo at Japeth Aguilar, habang natalo naman ang Aces sa Tigers, 97-114, noong Biyernes.

Sa unang laro, mag-u­unahan naman ang Talk ‘N Text at Powerade na ma­ilista ang kanilang ikala­wang sunod na panalo.

Ang 6-foot-5 import ng Tigers na si Omar Sneed ay ikinunsidera ng Tropang Texters sa gitna ng kanilang best-of-seven semifinals series ng Aces sa 2010 Fiesta Conference bilang kapalit ni Shawn Daniels.

Ngunit hindi kinuha ni coach Chot Reyes ang 35-anyos na si Sneed dahil wala ito sa kondisyon matapos ang dalawang linggong pakikipag-ensayo sa Talk ‘N Text.

Pero pagkatapos ng da­lawang linggong ensayo ay nagdesisyun ang TNT na manatili sa piling ni Daniels.

“We got an import that can match-up with the import of any opponent. I think we got a chance every time now,” sabi naman ni Po­werade coach Bo Perasol kay Sneed na kumolekta ng 13 points, 11 rebounds at 9 assists sa kanyang unang laro sa PBA.

vuukle comment

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

CHOT REYES

FIESTA CONFERENCE

N TEXT

PETRON BLAZE

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with