Pacman 100% handa na
LOS ANGELES--Sa pagiging abala ni Freddie Roach dahil sa isang TV commitment, si Buboy Fernandez ang nangasiwa sa training. Siya rin ang nagsalita sa loob ng Wild Card Gym sa Hollywood.
“Manny is 100 percent ready. Perfect. The timing, defense, footwork and stamina are there,” wika ni Fernandez, ang kababata ni Pacquiao.
Kagaya ni Roach, sinabi rin ni Fernandez na nasa magandang kondisyon si Pacquiao at alam na kung paano lalabanan si Timothy Bradley.
Nang maitakda ang laban noong Pebrero, sinimulan na ni Fernandez ang panonood sa mga fight tapes ng American boxer.
At tila mas alam niya ang kilos ni Bradley kesa sa ibang miyembro ng Team Pacquiao.
Naniniwala si Fernandez na babagsak si Bradley kay Pacquiao sa kanilang suntukan sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Sinabi pa ni Fernandez na parang laban ni Pacquiao alinman kina Ricky Hatton o Miguel Cotto ang matutunghayan ng mga tao sa Hunyo 9. Bumagsak si Hatton sa second round, at pinatigil si Cotto sa 12th round.
Maaari ring maitulad ang laban ni Pacquiao kay Bradley sa nangyari kay Oscar dela Hoya na umayaw bago ang ninth round.
Ayon kay Fernandez, wala pang nakakalaban si Bradley na nasa kalibre ni Pacquiao.
- Latest
- Trending