^

PSN Palaro

Bakbakang Nietes-Salguero ngayon na

- Ni AT -

MANILA, Philippines - “Ready na tayo.”

Ito ang agad na binigkas ni Donnie “Ahas” Nietes matapos tumimbang sa eksaktong 108 pounds sa weigh-in kahapon upang ipakitang nasa kondis­yon ito sa kanyang ga­gawing pagdepensa sa hawak na WBO light-flyweight title ngayong gabi sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Hotel.

“Kahit umabot pa sa 12 rounds ang laban ay handa ako. Magkaka-alaman na ngayon,” wika ni Nietes na mayroong 29-1-3 karta kasama ang 16 KOs.

Katunggali ni Nietes si Felipe Salguero ng Mexico at tulad niya ay pumasok din sa eksaktong timbang sa weigh-in na ginawa sa Robinson’s Galleria Activity Center.

Tulad din ng nagdedepensang kampeon ay tiwala rin si Salguero sa kanyang tsansa na manalo sa labang handog ng Ala Promotions katuwang ang ABS-CBN Sports.

 Gumawa pa nga ng eksena si Salguero na may 16-2-1 baraha kasama ang 11 KO nang umakto siyang ginigilitan ang leeg habang nakaharap kay Nietes bilang senyales na tatalunin niya ito.

“I want to win this one,” wika ni Salguero na ranked number seven sa WBO at IBF.

Aakto bilang referee sa ring ay si Raul Caiz Sr. habang ang mga hurado ay sina Muhammad Rois, Sawaeng Taweekoon, at Salven Lagumbay.

Makikita rin sa aksyon ang mga walang talong Filipino boxers na sina Milan Melindo at Genesis Servania laban sa mga bigating dayuhang katunggali.

Si Melindo (26-0, 10 KOs) ay lalaban kay Jesus Geles ng Colombia na lumampas ng tatlong pounds sa 112 fight limit para sa paglalabanang bakanteng WBO international flyweight title.

Itutuloy naman ang laban pero inaasahang magmumulta at may kaukulang kaparusahan si Geles.

vuukle comment

ALA PROMOTIONS

FELIPE SALGUERO

GALLERIA ACTIVITY CENTER

GENESIS SERVANIA

JESUS GELES

MILAN MELINDO

MUHAMMAD ROIS

NEWPORT PERFORMING ARTS THEATER

NIETES

SALGUERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with