^

PSN Palaro

Sino ang haharap sa Ateneo?

-

MANILA, Philippines - Karapatang makalaro sa finals ang paglalabanan ngayon ng UST at San Sebastian sa pagtatapos ng semifinals ng 9th Shakey's V-League na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo sa natatanging laro sa ganap na alas-4 ng hapon ay siyang aabante sa championship round sa torneong inorganisa ng Sports Vision at may ayuda ng Shakey's Pizza at makakatunggali ng nagdedepensa at wala pang talong Ateneo.

Inaasahang magiging mahigpitan ang magaganap na tunggalian sa dalawang koponan matapos umabot sa limang sets ang Games One at Two.

Naunang nakauna ang nagbabalik na 6-time champion na Lady Tigres­ses, 25-11, 25-17, 23-25, 21-25, 15-8, bago humirit ng 22-25, 29-27, 14-25, 25-23, 15-12 panalo ang Lady Stags kamakalawa tungo sa 1-1 iskor.

Pigilan si Jeng Bualee ang tiyak na nasa battlecry ng UST matapos magpakawala ng 40 puntos, kasama ang 38 kills, ang datihan ng Thai import ng Baste.

Bukod naman sa ma­gandang depensa, dapat na mas gumana ang pag-atake ng Lady Tigresses para makuha ang mahalagang puntos at maipasok ang sarili sa finals sa torneong may suporta din ng Accel at Mikasa.

Mapapanood ang live streaming ng mahalagang larong ito sa www.v-league.ph habang ang delayed telecast sa AKTV-13 ay magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi.

vuukle comment

ATENEO

GAMES ONE

JENG BUALEE

LADY STAGS

LADY TIGRES

LADY TIGRESSES

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with