Bradley nasa tamang timbang na
MANILA, Philippines - Nasa timbang na si Timothy Bradley halos dalawang linggo pa bago ang tagisan nila ni Manny Pacquiao sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa bansa) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
“I’m on weight. I left the gym at 147 pounds today so I will probably becoming in kind of light the day of the weight-in, maybe 145 or 144,” wika ni Bradley.
Kondisyon na siya dahil sa masinsinang pagsasanay na ginagawa upang mapataob si Pacquiao na idedepensa ang hawak na WBO welterweight title.
Ipinagmalaki pa ng walang talong challenger na aabot siya sa 160 rounds ng sparring upang matiyak na handa siya sa lahat ng gagawin ng natatanging 8-division world champion sa gabi ng laban.
Nauna ng sinabi ni Bradley na hindi niya poproblemahin ang pagiging kaliwete ni Pacman dahil bihasa na siya sa paglaban sa mga lefty matapos kaharapin at talunin sina Joel Casamayor at Devon Alexander na kanyang iniskoran ng knockout wins.
“I’m in my best shape of my life. Training and preparation have been going great. I’ve been training for almost three months now and I will have sparred about 160 rounds. The time is already here and I’m ready to take his throne,” dagdag pa ng 28-anyos na si Bradley na may 28-0 karta kasama ang 12 knockouts.
Ipakikita nga ni Bradley sa publiko ang magandang pangangatawan ngayon sa Fortune Gym sa Sunset Blvd sa Los Angeles sa isang media workout.
Hindi inalintana ni Bradley ang iwan ang dinodominang WBO light welterweight division upang sukatin ang lakas ng Pambansang kamao kahit siya pa ang umakyat ng timbang.
“I know how to win and I know when I’m down how to pick it up. I just have to make adjustments in the ring and I know how to do that. We are working 50% on boxing and 50% on brawling, it depends on how Pacquiao comes out,” may kumpiyansa pang pahayag ni Bradley.
Sa linggong ito tatapusin na ni Bradley at Pacquiao ang kanilang pagsasanay at inaasahang sa Lunes ay nasa Las Vegas na para paghandaan ang kanilang tagisan.
- Latest
- Trending