Pacquiao wawasakin ni Bradley

MANILA, Philippines - Magkaibang boksi­nge­ro sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley. Maski na sa training ay magkaiba rin ang kanilang paraan.

 Sa pagtakbo ni Pacquiao sa umaga, halos isang dosena ang sumasabay sa kanya. Kasama niya ang kanyang asong may lahing Jack Russell na si ‘Pacman’.

Pagbalik niya sa kanyang apartment, kakain siya ng kanyang almusal at magbabasa ng Bible kasunod ang isang maikling tulog. Bandang alas-2 ng hapon ay magtutungo naman siya sa boxing gym sakay ng kanyang itim na Ferrari para sa isang two-hour session.

Muli siyang magbabasa ng Bible. Ibabahagi niya ang kanyang hapunan sa mga kaibigang bibisita sa kanya.

Sa unang episode ng HBO 24/7, sinisimulan ni Bradley ang kanyang araw sa paghahatid sa kanyang stepson na si Robert sa paaralan nito sakay ng kanyang pick-up truck. Magpupunta siya sa gym ng alas-10 ng umaga para sa isang three-hour workout.

 Sa kanyang pag-uwi para sa tanghalian, matutulog naman siya ng tatlong oras matapos kumain.

Habang tumatakbo si Pacquiao sa umaga, nagmamaneho naman ng kanyang trak si Bradley.

At sa pananahimik ni Pacquiao para sa kanilang June 9 showdown sa MGM Grand, ipinaalam na ni Bradley ang kanyang mga plano sa laban.

Sinabi niyang wawasakin niya si Pacquiao at hihirangin bilang bagong WBO welterweight champion.

Sasaktan din niya si Pacquiao. 

“I’m the best! I am the best!” sinigaw ni Bradley sa harap ng ca­mera.

 “You got to prove to me you’re better than me. You ain’t better than me. You got to prove you’re better than me. Prove to me. We’re gonna see on June 9 who the best in the world is. You better be ready boy,” wika pa ni Bradley. 

Show comments