^

PSN Palaro

Puwesto sa national pool nakataya

-

MANILA, Philippines - Ang mga posisyon para sa national pool ang nakataya sa pagsisimula ng dragonboat at canoe-kayak competitions ng POC-PSC National Games sa Hunyo 1-3 sa Lake Caliraya sa Laguna.

Sinabi ni Philippine Canoe Kayak Federation Inc. (PCKF) president Dr. Sim Chi Tat na ang kompetis­yon ay bukas sa lahat ng dragonboat at canoe-kayak enthusiasts.

Suportado ng PSC at POC, ang pagpapare­histro ay maaaring idaan sa www.png.psc.gov.ph, o sa pamamagitan ng PCKF technical organizer mo­biles 09052245498 at 09063261238, landline 02-2431357 o sa email ad­dresses na [email protected] o [email protected].

Ang mga top perfor­mers ay isasama sa natio­nal team para sa paglahok sa 3rd Asian Beach Games sa Haiyang, China na nakatakda sa Hunyo 16-22.

Naging matagumpay ang pag-iisa ng canoe ka­yak at dragonboat matapos kumuha ang national dragonboat teams ng isang gold, dalawang silver at dalawang bronze medals sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia.

Ang mga kayak events sa Caliraya ay ang 200 at 500 meters sa men’s at women’s sprint single, touring single at touring double, habang ang mga canoe events ay ang 200 at 500 meters sa men’s at women’s sprint single.

Sa dragonboat, ang mga events ay ang 200 at 500 meters para sa men’s 20 crew, women’s 10 crew at 20 mixed crew.

ASIAN BEACH GAMES

CALIRAYA

DR. SIM CHI TAT

HAIYANG

HUNYO

LAKE CALIRAYA

NATIONAL GAMES

PHILIPPINE CANOE KAYAK FEDERATION INC

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with