^

PSN Palaro

PNG pormal na magsisimula ngayon

- Ni RC -

DUMAGUETE CITY, Philippines -- Pormal na bubuksan nga­­yong hapon ang 2012 POC-PSC Philippine Natio­nal Games tampok ang humigit-kumulang sa 5,000 atleta dito sa Freedom Park.

Magsisimula ang seremonya sa ganap na alas-5 ng hapon kung saan magbibigay ng kanilang ope­ning remarks sina Dumaguete City Mayor Manuel Sagarbarria at Provincial Gov. Roel Degamo.

Makakasama rin nina Sa­garbarria at Degamo si­na Philippine Sports Com­mission (PSC) chairman Richie Garcia at Commissioner Jolly Gomez.

Bukod sa Dumaguete City at Negros Oriental, magdaraos rin ng ilang sports events ang Laguna, Manila, Pasig, Makati City at Taguig City.

Ang mga events na idaraos sa Dumaguete City at Negros Oriental ay ang archery, arnis, athletics, badminton, basketball, billiards, chess, dancesports, football, futsal, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, triathlon, indoor at beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

Ang athletics event ay gagawin sa Perdices Sports Complex mula Mayo 28 hanggang 31, samantalang pakakawalan naman ang swimming competition sa Lorenzo Teves Aqua Center sa Mayo 29 hanggang 31.

Mapapanood naman sa Laguna ang canoe kayak, dragonboat, rugby at taekwondo, samantalang ang motorcycle sports ay sa SM Bicutan at SM Sucat, ang bowling ay sa Sta. Lucia Grand Mall, ang baseball, boxing, soft tennis, gymnastics at diving ay sa Manila, ang shooting ay sa Fort Bonifacio, ang fencing ay sa Philsports at ang wall climbing ay sa The Fort, Taguig City.

Kakatawanin ng mga atleta ngayong 2012 PNG ang kanilang mga Local Government Units (LGUs) kumpara noong nakarang edisyon, ani Garcia.

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

DUMAGUETE CITY

DUMAGUETE CITY MAYOR MANUEL SAGARBARRIA

FORT BONIFACIO

FREEDOM PARK

LOCAL GOVERNMENT UNITS

LORENZO TEVES AQUA CENTER

LUCIA GRAND MALL

NEGROS ORIENTAL

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with