^

PSN Palaro

Alcala tinalo si Monterubio para sa korona ng U-19

-

MANILA, Philippines - Pinayukod ni Mark Alcala si third seed Jose Kenneth Monterubio, 21-18, 21-19, para sikwatin ang boys’ Under-19 title at kumpletuhin ang kanyang dalawang tagumpay sa P1 million MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) circuit sa Metro Sports Center sa Lahug, Cebu City.

Tinapos ng 13-anyos na si Alcala ang kanilang laro ng kapwa niya national team-Victor mainstay na si Monterubio sa loob ng 47 minuto upang idagdag ang korona sa nauna niyang titulo sa U-15 division na kanyang inangkin sa pang limang sunod na pagkakataon.

Nauna nang tinalo ng nakababatang kapatid ni No. 1 RP player Malvinne Ann Alcala si No. 2 Patrick Gecosala, 21-12, 21-11, para sa U-15 title upang pantayan ang dalawang koronang ibinulsa ni Bianca Carlos sa event na tumatayong kickoff leg ng isang three-stage circuit na inorganisa ng Philippine Badminton Association nina Vice President Jejomar Binay, chair Manny V. Pangilinan at sec-gen Albee Benitez.

Ang second leg ay nakatakda sa Oktubre 27-31 sa Manila, habang sa Cagayan de Oro idaraos ang final stage sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 4, ayon kay tournament director Nelson Asuncion.

Kinuha ni Carlos ng Golden Shuttle Foundation ang women’s Open at U-19 singles titles, habang si Toby Gadi ng GSF ang nanalo sa men’s Open singles para sa pang limang sunod na pagkakataon sa event na itinataguyod ng official equipment sponsor Victor.

Ginitla naman nina Joper Escueta at Peter Gabriel Magnaye sina top seeded Ronel Estanislao at Paul Vivas, 21-11, 21-19, upang angkinin ang Open men’s doubles title, habang sina Gelita Castilo at Dia Magno ang tumalo kina Jen Cayetano at Kim Mayono, 13-21, 21-19, 21-17, para sa women’s Open doubles crown.

ALBEE BENITEZ

BIANCA CARLOS

CEBU CITY

DIA MAGNO

GELITA CASTILO

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

JEN CAYETANO

JOPER ESCUETA

JOSE KENNETH MONTERUBIO

KIM MAYONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with