^

PSN Palaro

Baste, Perpetual Spikers mag-aagawan sa no. 3 spot

-

MANILA, Philippines – Pag-aagawan ngayon ng San Sebastian at Perpetual Help ang ikatlong puwesto sa pagtatapos ng quarterfinals sa 9th Shakey’s V-League na han­dog ng Smart ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 4-1 karta ang dalawang NCAA teams at ang mananalo ang siyang hahawak sa ikatlong puwesto at siyang makakatapat ng UST sa crossover semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Ang matatalo ay babangga naman sa mainit at nagdedepensang kampeon na Ateneo sa isang semis match-up sa torneong may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Magsusukatan ang Lady Stags at Lady Altas sa huling laro sa triple-hea­der dakong alas-6 ng gabi.

Ang unang tagisan ay sa pagitan ng Adamson at FEU sa ganap na alas-2 ng hapon na susundan ng bakbakan ng National University at UST dakong alas-4.

Hanap ng Lady Tigres­ses na wakasan ang kampanya tangan ang ika­la­wang puwesto at momentum papasok sa mahalagang Final Four.

Mula sa 22-25, 25-19, 25-23, 25-21 panalo ang Lady Stags sa Lady Bulldogs noong Martes upang tapusin ang labanan para sa ikaapat at huling puwesto sa semifinals.

Si Jeng Bualee ay may 33 hits kasama ang 30 kills at inaasahang pangu­ngunahan ang Baste laban sa NCAA champion Lady Altas na sasandal sa kanilang Thai import na si Pornpimol Kunbang. (AT)

vuukle comment

FINAL FOUR

LADY ALTAS

LADY BULLDOGS

LADY STAGS

LADY TIGRES

NATIONAL UNIVERSITY

PERPETUAL HELP

PORNPIMOL KUNBANG

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with