Blazers inilusot ni Bartolo

MANILA, Philippines – Sa labanan ng mga koponang nasa ilalim ng stan­dings, nangibabaw ang College of St. Benilde sa Adamson, 71-66, upang magkasalo na ang dalawa sa idinadaos na FilOil Flying V Preseason Hanes Cup sa The Arena sa San Juan kahapon.

Parehong may 2-4 karta ang Blazers at Falcons at sinandalan ng una ang pag-iinit ng kamay ni Robert Bartolo na tumapos taglay ang 17 puntos at 9 rebounds.

Si Carlo Lastimosa ay may all-around game na 16 puntos, 7 rebounds at 2 assists habang si Paolo Taha ay may 12 puntos.

Lamang ng lima ang Falcons, 66-61, sa pagpasok ng huling 1:40 pero napako na sila dala ng matibay na depensa ng Blazers.

Sina Bartolo, Lastimosa at Taha ang nagbangon sa St Benilde at ang sophomore center na si Bartolo ang nagbigay ng kalamangan sa Blazers sa isang jumper, 63-61, bago nagbuslo ng apat na free throws si Lastimosa bilang tugon sa dalawang sablay na opensa ng Adamson.

Nagbagsak ng 23 puntos si Eric Camson habang double-double na 15 puntos at 10 rebounds ang ibinigay ni Rodney Brondial para sa natalong koponan.  (ATan)

Show comments