^

PSN Palaro

Caguioa nagpasiklab sa debut game ng Ginebra

-

MANILA, Philippines – Suot ang kanyang protective eyewear, muling tumapak sa basketball court si Mark Caguioa matapos ang halos dalawang buwan na pagpapagaling sa kanyang eye injury.

 Humugot si Caguioa ng walo sa kanyang 15 points sa second half, habang nagtala si import Cedric Bozeman ng 29 points, 13 rebounds at 6 assists para ibigay sa Barangay Ginebra ang 103-85 panalo laban sa Air21 sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.

“It feels good to be back on the court playing with these guys,” sabi ni Caguioa, hinirang na Best Player of the Conference ng nakaraang 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Nagdagdag naman si Alein Maliksi ng 13 markers para sa 1-0 record ng Gin Kings katabla ang nagde­depensang Petron Blaze Boosters at Rain or Shine, habang may 0-1 baraha ang Express, Powerade at Alaska.

Naglista ang Ginebra ng isang 11-point lead sa first period bago nakadikit ang Air21 sa halftime, 39-45, sa likod nina import Zach Graham at Ren-Ren Ritualo, Jr.

Matapos ang three-point shot ni Ritualo para sa 46-51 agwat ng Express, isang maikling 9-0 atake naman ang ginawa nina Bozeman, Mike Cortez, Kerby Raymundo at Dylan Ababou upang ibigay sa Gin Kings ang isang 14-point lead, 60-46, sa 6:02 ng third quarter.

Inilista ng Ginebra ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 20 puntos, 87-67, sa 6:26 ng fourth period buhat sa jumper ni Maliksi bago nakadikit ang Air21 sa 81-91 mula kina Graham, Ritualo at Ira Bagatsing sa 4:02 nito.

Tumipa si Graham ng 31 points para sa Air21 kasunod. 

Ginebra 103 - Bozeman 29, Caguioa 15, Maliksi 13, Hatfield 10, Ababou 9, Cortez 8, Raymundo 7, Wilson W. 6, Wilson J. 3, Labagala 2, Villanueva 1, Maierhofer 0, Canaleta 0.

Air 21 85 - Graham 31, Ritualo 13, Sena 11, Isip 6, Omolon 6, Jazul 5, Espiritu 4, Sison 4, Bagatsing 3, Hubalde 2, Menor 0, Faundo 0.

Quarterscores: 23-18; 45-39; 71-62; 103-85. (RCadayona)

vuukle comment

ALEIN MALIKSI

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BOZEMAN

CAGUIOA

CEDRIC BOZEMAN

DYLAN ABABOU

GIN KINGS

GINEBRA

RITUALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with