^

PSN Palaro

Perpetual pasok na sa semis, La Salle-Bacolod namaalam na

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Tinapos ng Perpetual Help ang laban ng University of St. La Salle Bacolod na­ng kunin ang 26-24, 19-25, 24-26, 28-26, 15-12 panalo kahapon sa 9th Shakey’s V-League quarterfinals na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Ang tibay ng dibdib ang siyang sinandalan ng Lady Altas nang bumangon mula sa 1-2 deficit sa best of five series at 4-8 sa deciding fifth set upang ipalasap sa Lady Stingers ang kanilang ikalimang pagkatalo sa pitong laro upang mamaalam na sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 29 hits si Thai import Pornpimol Kunbang na kinatampukan ng 23 kills at 5 blocks habang sumuporta rin sina Sandra delos Santos, Norie Diaz at April Sartin at ang Lady Altas ay naging ikatlong koponan na umabante sa semifinals sa kanilang 4-1 baraha.

Ang determinasyong ma­nalo ay tunay na nakita sa koponan sa deciding fifth nang balewalain nila ang apat na puntos na abante ng Lady Stingers sa pagpapakawala ng walong sunod na puntos para sa 12-8 bentahe.

May 17 putos si Delos Santos habang tig-16 pa ang ibinigay nina Diaz at Sartin para samahan ng Lady Altas ang Ateneo (6-0) at UST (4-0) sa semis sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

May 20 puntos, kasama ang 5 blocks , si Jovelyn Gonzaga para ibandera ang natalong koponan.

Ang larong ito at ang ika­lawang laro kahapon sa pagitan ng San Sebastian at FEU ay mapapanood nga­yon sa ganap na alas-7 ng gabi sa AKTV-13.

APRIL SARTIN

DELOS SANTOS

JOVELYN GONZAGA

LADY ALTAS

LADY STINGERS

NORIE DIAZ

PERPETUAL HELP

PORNPIMOL KUNBANG

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with