^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather fight tuloy na

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Kung mananalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. sa Hunyo 9 ay tiyak na ang kanilang mega-fight ni Floyd Mayweather, Jr.

Ito ang tiniyak ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kaugnay sa salpukang Pacquiao-Mayweather na tatlong beses nabalam bu­nga ng isinulong na isyu ng American fighter mula sa kanilang pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at urine testing hanggang sa hatian sa pri­ze money.

Ayon kay Arum, ang lahat ng ito ay inaasahan niyang mapaplantsa para maitakda ang naturang su­per showdown.

“Well from my stand point and from Manny’s, assuming he beats Bradley,” wika ni Arum sa Pacquiao-Mayweather fight na siyang pinakahihintay na mangyari ng mga boxing fans sa buo­ng mundo.

Ayon kay Arum, hindi na isyu ang drug testing para sa banggaan ng 33-anyos na si Pacquiao at ng 35-an­yos na si Mayweather.

Noong Pebrero ay per­so­nal na tinawagan ni Floyd si Manny para plantsahin ang kanilang suntukan.

Pumayag ang Filipino world eight-division champion sa isang 50-50 purse split bago umatras sa panukala ni Mayweather kung saan hindi makakakuha si Pacquiao ng bahagi sa benta ng kanilang pay-per-view sales.

“If Floyd now wants more than half, let him earn it. Why not 45/45 and the winner get the other 10 percent? It would certainly create even more interest in a fight that would get tremendous interest,” ang solusyon ni Arum.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

AYON

BOB ARUM

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

HUNYO

IF FLOYD

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with