^

PSN Palaro

Lady Bulldogs nakasilip ng tsansa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Dinomina ni Dindin San­tiago ang net game upang pangunahan ang National University na kunin ang 29-27, 25-20, 25-23 straight sets panalo laban sa Adamson University at manatiling buhay ang paghahabol na ma­kalaro sa semifinals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart noong Hu­webes ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Kumawala ng 26 kills si Santiago para katampukan ang pangingibabaw sa net.

May 2 blocks din ang 6’1 na si Santiago na tina­pos ang labanan taglay ang 29 puntos, habang sina Myla Pablo, Maricar Nepomuceno at Carmina Aganon ay nagsanib sa 27 hits at ang Lady Bulldogs ay nakatikim din ng panalo matapos ang apat na sunod na kabiguan sa palarong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 17 hits si Nerissa Bautista habang 10 ang ibi­nigay ni Pau Soriano para sa Lady Falcons na tu­luyang namaalam sa li­gang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

CARMINA AGANON

DINDIN SAN

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

MARICAR NEPOMUCENO

MYLA PABLO

NATIONAL UNIVERSITY

NERISSA BAUTISTA

PAU SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with