^

PSN Palaro

Nietes itataya ang korona vs Mexican boxer

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Itataya ni Donnie “Ahas” Nietes ang hawak na WBO light flyweight title laban kay Felipe Salguero ng Mexico sa Resorts World Manila sa Hunyo 2.

Ito ang unang pagdepensa ni Nietes sa titulo ma­tapos agawin ito sa dating Mexican champion Ramon Garcia Hirales noong Oktubre 8 sa La Salle Bacolod via unanimous decision.

May 29 panalo sa 33 laban, kasama ang 16 KO, ang 30-anyos na si Nietes ay nagsanay sa loob ng da­lawang buwan at tutungo na sa Manila sa Sabado upang dito tapusin ang pagha­handa.

Hindi nagpapabaya ang dating WBO minimumweight champion dahil si Salguero ang kasaluku­yang WBF champion sa 108-pound division.

Matapos matalo sa unang dalawang pro fights, si Salguero ay nanalo ng 16 na sunod, at 11 rito ay hindi tumapos sa laban.

Papasok ang challenger mula sa fifth round KO panalo laban kay Carlos Melo noong Enero 28 at siya ay ranked 12th sa WBO at pampito sa IBF.

Si Nietes ang ikalawang world champion ng Pilipinas na magdedepensa ng titulo sa bansa kasunod ni Brian Viloria na hiniritan ng 9th round TKO panalo si Omar Niño Romero ng Mexico para mapanatiling hawak ang WBO flyweight title.

BRIAN VILORIA

CARLOS MELO

FELIPE SALGUERO

LA SALLE BACOLOD

NIETES

OMAR NI

RAMON GARCIA HIRALES

RESORTS WORLD MANILA

SALGUERO

SI NIETES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with