^

PSN Palaro

Tanggal allowance sa mga nat'l athletes na 'di produktibo sa PNG

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Hindi mangingimi ang Philippine Sports Commis­sion (PSC) na alisan ng allowances ang mga national athletes na hindi magpapakita ng maayos na laro sa gaganaping 2nd POC-PSC Philippine National Ga­mes na gagawin sa mga lugar ng Metro Ma­nila, Laguna at Dumaguete City.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, wa­lang karapatan ang pina­ngungunahang ahensya na ipilit ang pagpapalit ng manlalaro sa mga National Sports Associations dahil ito ay desisyon ng mga NSAs.

Pero karapatan nila ang tanggalan ng allowan­ces ang mga national athletes na sa kanilang pa­niniwala ay hindi na ma­kakapaghatid ng kara­ngalan sa Pilipinas sa mga malalaking torneo sa labas ng bansa.

Tinatayang nasa 4,000 atleta at coaches ang maglalaro sa PNG kasama ang mga national players na dapat na manalo sa ka­nilang laro upang hindi matanggalan ng suporta sa komisyon.

Hindi naman lahat ng na­tional players ay kasali da­hil ang mga manlalaro sa martial arts sports ay hindi na paglalaruin sa PNG.

vuukle comment

AYON

DUMAGUETE CITY

METRO MA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE NATIONAL GA

PHILIPPINE SPORTS COMMIS

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with