^

PSN Palaro

La Salle buhay pa, Ateneo malinis pa rin

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nailabas ng University of St. La Salle-Bacolod ang pinakamabangis na porma upang talunin ang FEU, 25-11, 25-22, 25-15, at manati­ling buhay ang paghaha­bol para sa puwesto sa semifinals sa idinaos na 9th Shakey’s V-League quarterfinals na handog ng Smart kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang ginawa ng Lady Stingers habang pinaghandaan ng depensa ang Thai import ng Lady Tamaraws na si Eve Sanorseang para iangat ang karta sa 2-4.

Si Sheryl Denila ay mayroong 14 hits, si Royce Quijano ay may 12 habang sina Jovelyn Gonzaga, Gianes Dolar at Patty Orendain ay may 11, 11 at 10 hits upang patuloy na lumaban pa para makaabante sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Sina Denila at Quijano ay nagsanib pa sa 22 kills at ang Lady Stingers ay may 46-25 bentahe sa spikes para sa kanilang panalo.

Nakatulong para ma­ka­pagdomina sa net ang La Salle Bacolod ay dahil sa pagkakalimita ni Sanor­seang sa pitong attacks la­mang tungo sa mahinang 8 puntos.

 Kailangan ngayon ng Lady Stingers na manalo sa NCAA champion Perpetual Help sa Linggo at manala­ngin na hindi lumampas sa tatlong panalo ang Lady Atlas at San Sebastian.

Sa ikalawang laro, lu­ma­wig sa anim na sunod ang winning streak ng nagde­de­pensang kampeon na Ateneo nang kunin ang 25-11, 23-25, 25-17, 25-19 pa­­nalo laban sa Lady Stags.

Nalaglag ang San Sebastian sa 2-2 karta.

EVE SANORSEANG

GIANES DOLAR

JOVELYN GONZAGA

LA SALLE BACOLOD

LADY ATLAS

LADY STAGS

LADY STINGERS

LADY TAMARAWS

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with