Pacman pokus sa training
MANILA, Philippines - Bagamat nasangkot sa isyu ng ‘gay marriage’, nakatutok pa rin si Manny Pacquiao sa kanyang training camp sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.
Sa panayam sa kanya sa Unang Hirit kahapon, sinabi ni Pacquiao na nasiyahan si Roach sa kanyang ipinakita sa kanilang ensayo.
“Happy naman si Freddie sa naging sparring namin last time,” wika ng Filipino world eight-division champion. “Maganda na ang pagte-training namin at nasa kondisyon na ako for the fight.”
Itataya ng 33-anyos na si Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 28-anyos na si Timothy Bradley, Jr. sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Kamakalawa ay kinondena si Pacquiao ng mga pro-gay activists matapos malathala ang isang artikulo sa kanya ni Granville Ampong sa Examiner.com kung saan ikinabit ng huli ang Leviticus 20:13.
Sa nasabing Bible verse, nakasulat ang “If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”
Mariin nang itinanggi ni Pacquiao na siya ang nagsabi nito kay Ampong.
“I’m against gay marriage, but I am not condemning gays. I have relatives who are gay and friends who are gay. I’m against same-sex marriage. That’s all,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng Yahoo Sports.
Bunga ng inilagay na Leveticus verse ni Ampong na tumutuligsa sa pagpapakasal ng mga bakla, hindi pinayagan si Pacquiao na makapasok sa upscale shopping mall na The Grove sa California.
Suportado naman ni Bradley ang ‘gay marriage’.
“Gay people have their own rights and beliefs and the great thing about this country is that they’re welcome to them,” ani Bradley.
- Latest
- Trending