^

PSN Palaro

UST Salingawi Troupe humablot ng 2 gold

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dalawang ginto at isang pilak ang ibinulsa ng UST upang dominahin ang Cheerleading competition sa gymnastics na siyang nagbukas ng 2nd POC-PSC Phi­lippine National Games noong Martes sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa pamamagitan ng kanilang ipinagmamalaking Sa­lingawi Troupe, ang UST ay nanalo sa cheerdance at All Female Stunts bago nakontento sa ikalawang puwesto sa Mixed Group Stunts para lumabas na delegasyon na may pinakamagandang tinapos sa kompetisyong inorganisa ng Cheerleading Philippines na may basbas ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Dinaluhan nina PSC commissioner Akiko Thomson-Guevarra kasama sina POC treasurer Julian Camacho at GAP president Cynthia Carrion, hindi napahiya ang Sa­lingawi Troupe nang kunin ang unang puwesto sa cheerdance sa nakuhang 394.5 puntos at All Female Group Stunts sa 96 puntos.

Lumaban pa ang koponan sa Mixed Group Stunts ngunit hinirang na kampeon dito ang Arellano University sa 115 puntos mas mataas ng limang puntos sa España- based University (110).

Ang iba pang pinalad na nanalo ng ginto ay ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Holy Trinity College ng General Santos City.

 Nangibabaw ang PUP sa Partner Stunts sa 103.5 puntos habang ang Holy Trinity College ay nanaig sa Cheerleading title sa 200 puntos.

Ang tagisan sa men’s at women’s artistic gymnastics ay ginawa kahapon hanggang ngayon habang ang rhythmic gymnastics ay paglalabanan bukas at sa Sabado gagawin ang labanan sa aerobics.

AKIKO THOMSON-GUEVARRA

ALL FEMALE GROUP STUNTS

ALL FEMALE STUNTS

ARELLANO UNIVERSITY

CHEERLEADING PHILIPPINES

CYNTHIA CARRION

GENERAL SANTOS CITY

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HOLY TRINITY COLLEGE

MIXED GROUP STUNTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with