^

PSN Palaro

Lady Stingers may pag-asa pa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi pinakawalan ng University of La Salle-Baco­lod ang momentum na nakuha nang manalo sa fourth set tungo sa 25-12, 21-25, 20-25, 25-23, 15-2 panalo laban sa National University para manatiling buhay ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Namuro na ang Lady Bulldogs sa panalo nang hawakan ang 19-18 kalamangan sa fourth set pero tinapos ng Lady Stingers ang laban gamit ang 7-4 palitan na kinatampukan ng spike mula kay Patty Orendain upang itabla sa 2-2 ang best-of-five tie.

Mula rito ay tumibay na ang laro ng La Salle Ba­colod at si Orendain ay nagpakawala ng siyam na hits kasama ang tatlong service aces habang ang depensa ay naglimita sa Lady Bulldogs sa dalawang hits tungo sa paghablot ng unang panalo matapos ang limang laro.

Ang panalo ay nagbi­gay buhay pa sa laban para mapasama sa top four sa quarterfinals at kailangang maipanalo pa ang dalawang laro at umasang ang NCAA champion Perpetual at San Sebastian ay hindi lumampas ng tatlong panalo.

Pero sa mahalagang fifth set ay nilamon ng de­pensa si Santiago na nag­karoon ng tatlong errors para malaglag sa 0-4 baraha sa torneong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

vuukle comment

LA SALLE BA

LADY BULLDOGS

LADY STINGERS

NATIONAL UNIVERSITY

PATTY ORENDAIN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

UNIVERSITY OF LA SALLE-BACO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with