Lady Altas inungusan ang Lady Falcons sa V-League

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang NCAA cham­pion Perpetual Help bago ta­lunin ang Adamson University, 25-23, 25-22, 26-24, sa quarterfinal round ng 9th Shakey’s V-League ka­hapon sa The Arena sa San Juan.

Nalampasan ng Lady Altas ang power game ng La­dy Falcons para tapusin ang laro sa loob ng isang oras at 14 minuto at ilista ang 3-1 baraha sa ilalim ng nagdedepensang Ateneo (5-0) at six-time titlist University of Sto. Tomas (4-0).

Nakipagsabayan si San­dra delos Santos kina Adamson stars Nene Bautista at Pau Soriano mula sa kanyang 15 kills at tumapos na may 19 hits.

Nagdagdag naman si Thai reinforcement Porn­pimol Kunbang ng 13 points.

Nag-ambag si Honey Rose Tubino ng 9 hits, ka­­sama ang isang block na siyang nagpanalo sa La­­dy Altas.

Sa ikalawang laro, tinalo ng Ateneo ang University of St. La Salle-Bacolod, 25-16, 25-22, 25-22.

Show comments