^

PSN Palaro

Canaleta tinalo si Intal para sa korona ng 2012 PBA Slam Dunk

-

MANILA, Philippines - Sa pang limang pagka­kataon ay muling napasa­kamay ni Niño ‘KG’ Canaleta ng Barangay Ginebra ang Slam Dunk trophy.

Ang dalawang perfect dunks na may iskor na 50 points sa Finals ang na­ging su­si sa 100-99 panalo ni Canaleta laban kay JC Intal ng B-Meg sa 2012 PBA Slam Dunk Competition kahapon sa Laoag City.

Ang huling dunk ng 6-foot-4 na si Canaleta ay ang paglundag niya sa tatlong tao, kasama dito si 6’9 Asi Taulava ng Meralco.

Nagkampeon sa PBA Slam Dunk Competition ang dating Red Warrior ng University of the East no­ong 2005, 2006, 2007 at 2010.

Isang tao ang tinalunan ni Canaleta sa kanyang unang dunk sa Finals.

Gumawa naman ang 6’4 na si Intal ng isang Mi­chael Jordan na windmill dunk mula sa kaliwang ba­hagi ng baseline para sa kanyang 50 points.

Ngunit ang kanyang one-handed 360-degree dunk ay binigyan ng mga jud­ges ng 49 points.

Tumapos sa ikat­long puwesto si Gabe Norwood ng Rain or Shine mula sa kanyang 93 points sa Fi­nals (45-48).

Hindi naidepensa ni Kelly Williams ang kanyang ko­rona nang hindi payagan ng Talk ‘N Text.

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CANALETA

DUNK

GABE NORWOOD

INTAL

KELLY WILLIAMS

LAOAG CITY

SHY

SLAM DUNK COMPETITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with