^

PSN Palaro

10-dikit na titulo sa NCR athletes

-

MANILA, Philippines - Dinomina ng National Capital Region ang larong basketball upang lagyan ng ningning ang paghablot ng delegasyon ng kanilang ika-10 sunod na secondary ge­ne­ral championships sa pagtatapos kahapon ng Palarong Pambansa sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

Si JJ Alejandro na team captain ng Energen Pilipinas team na tumapos sa semifinals sa Fiba-Asia Championships sa Vietnam noong nakaraang taon ay may 33 puntos para pangunahan ang 96-77 dominasyon ng NCR sa Calabarzon na nakita ang dalawang taong paghahari sa basketball na natapos.

Nanalo rin ang NCR sa larong football nang ang ko­o­nang binubuo mula sa UAAP back to back champion FEU ay umukit ng 2-0 panalo sa nagdedepensang Central Vi­sayas.

Nanalo rin ang NCR sa secondary volleyball laban sa Central Visayas sa boys at girls, ang Big City delegasyon ay nakakubra ng 415 puntos upang maging run-away win­ner sa high school division.

Nasa malayong ikalawang puwesto ang Western Visayas sa 230.50 habang ang Calabarzon ay may 158 para sa ikatlong puwesto.

BIG CITY

CALABARZON

CENTRAL VI

CENTRAL VISAYAS

ENERGEN PILIPINAS

FIBA-ASIA CHAMPIONSHIPS

NANALO

NARCISO RAMOS SPORTS AND CIVIC CENTER

NATIONAL CAPITAL REGION

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with