^

PSN Palaro

Katatagan itataya ng Ateneo, UST belles

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mapanatiling malinis ang kanilang karta ang balak gawin ng nagdedepensang Ateneo at many-time champion UST sa pag­­bubukas ngayon ng 9th Shakey’s V-League quarterfinals na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Eagles na hindi natalo sa tatlong laro sa Group A ay masusukat sa La Salle Bacolod sa alas-4 ng hapon habang ang Lady Tigresses ay makikipagtunggali sa FEU sa huling laro sa triple-header game dakong alas-6 ng gabi.

Magbubukas ng telon ay ang tagisan sa pagitan ng NCAA champion Perpetual Help laban sa Adamson University sa alas-2 ng hapon.

Ang San Sebastian Lady Stags na tumapos sa group elimination tangan ang 2-1 baraha at National University (0-3) ay pahinga ngayon at masasalang sa laban sa Martes.

Pinapaboran ang Lady Eagles dahil ang Lady Stingers ay may 0-3 karta sa yugtong ito.

Ang unang 2 laro ay mapapanood sa AKTV-13 sa Lunes mula ika-7 ng gabi habang ang mga laro sa Martes at Huwebes ay ipalalabas sa mga nasabing araw sa network mula ika-7 ng gabi.  

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANG LADY EAGLES

ANG SAN SEBASTIAN LADY STAGS

GROUP A

LA SALLE BACOLOD

LADY EAGLES

LADY STINGERS

LADY TIGRESSES

NATIONAL UNIVERSITY

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with