^

PSN Palaro

Barriga lalaban para sa ginto

-

TASHKENT, Uzbekistan – Inungusan ni light flyweight Mark Anthony Barriga si Shahobidin Zoirov ng Uzbekistan, 13-10, para makapasok sa gold medal round ng Sydney Jackson Memorial Boxing Tournament dito sa Universal Uzbekistan Sports Complex.

 Ang mga counterpunches ang siyang naging sandata ng 17-anyos na si Barriga para talunin si Zoirov, kumampanya sa nakaraang World Series of Boxing para sa tropa ng Russia, sa kanilang laban sa semifinals.

Kinuha ni Barriga, ang tanging London Olympics qualifier, ang first round, 4-2, bago kontrolin si Zoirov sa second at third round. 

Makakatapat ng tubong Panabo, Davao del Norte sa finals si Russian pride David Ayrapetyan, lalaban din sa 2012 London Olympics.

“He’s highly motivated and is focused in training. Although he has a tough opponent, he’s really pumped up,” ani ABAP executive director Ed Picson kay Barriga.

Yumukod naman si flyweight Ian Clark Bautista kay Shexriyor Isakov ng Uzbekistan, 4-8.

Tanging bronze medal ang makukuha ng 17-anyos na pambato ng Negros Occidental na si Bautista.

Nagtabla sina Bautista at Isakov sa first round, 2-2, bago nakadistansya ang Uzbek sa second round, 5-3, patungo sa tagumpay nito.

BARRIGA

BAUTISTA

DAVID AYRAPETYAN

ED PICSON

IAN CLARK BAUTISTA

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

NEGROS OCCIDENTAL

SHAHOBIDIN ZOIROV

SHEXRIYOR ISAKOV

UZBEKISTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with