Gold sa Phl equestrian team

MANILA, Philippines - Ang kinabukasan ng Philippine equestrian ay nasa mga kamay ng tatlong batang babae.

Nag-uwi ng gintong medalya sina Andi Santos, Ca­mila Lastrilla at Gabbie Gavieta sa katatapos lang na CSI Korean Racing Authority horse show.

Inangkin ng grupo ang gold medal sa junior team event sa show jumping para talunin ang mga kinatawan ng Hong Kong, Iran, Korea, Thailand at Chinese Taipei noong Abril 20-22 sa KRA Equestrian Park.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Diego Virata, Macarena Rocha at Katrina Montinola na nagtapos bilang pang anim sa seniors team event sa ilalim ng Iran, India, Chinese Taipei, Qatar at Hong Kong.

Sila ay sinamahan nina American coach Jeff Fields at chef d’equipe Mia Virata.

Show comments