^

PSN Palaro

Adamson spikers puntirya ang quarters vs Letran netters

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng Adamson at Letran ang puwesto sa quarterfinals sa Group B sa pagpapatuloy ng 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Ang tagisan ay masisila­yan sa ikalawa sa tatlong larong nakatakda na magsisimula sa alas-4 ng hapon.

Nakatikim na rin ng panalo ang dating kampeon na Lady Falcons nang ka­­nilang malusutan ang La Salle Bacolod sa limang mahigpitang set noong Martes para sa 1-2 karta.

Kung mananalo ang Lady Falcons sa Lady Knights, makukumpleto na ang apat na koponan na aabante sa quarterfinals dahil masasama na rin sa aabante ay ang Lady Stin­gers na may 1-3 baraha.

Ito ay dahil sa ang Letran kung hindi papalarin ay malalaglag sa 0-4 baraha.

Ngunit kung manaig ang Lady Knights, magka­karoon ng 3-way tie sa 1-3 karta sa pagitan ng na­sabing koponan at ng  Falcons at Cobras.

Babasagin ito sa tie-break at ang may pinakamataas na quotient ang aabante na habang playoff ang mangyayari sa number four at five para sa ika­apat at huling puwesto na magiging palaban pa sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado rin ng Accel at Mikasa.

Ang iba pang laro ay sa pagitan ng FEU at Perpe­tual sa alas-2 ng hapon at San Sebastian kontra UST sa alas-6 ng gabi. 

vuukle comment

GROUP B

LA SALLE BACOLOD

LADY FALCONS

LADY KNIGHTS

LADY STIN

LETRAN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with