^

PSN Palaro

Erasers buhay pa, Gems wagi rin

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Erase Plantcenta ang tikas sa endgame ni Marlon Gomez upang kunin ang 69-66 panalo laban sa Boracay Rum at tumibay pa ang paghahabol sa puwesto sa playoffs sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Humablot ng mahalagang defensive rebound bago isinalpak ang dalawang mahahalagang free throws si Gomez na nangyari sa huling 4.2 segundo upang angkinin ng Erasers ang ikatlong panalo sa pitong laro at makatabla sa mahalagang ikaanim na pu westo ang pahingang Café France.

Bago ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang Waves na itabla ang laro dahil angat lamang ng dalawa ang Erasers, 65-67, at nasa free throw line si Stephen Siruma may 8.4 sa orasan.

 Pero sablay ang kanyang huling buslo at napa lakas naman ang follow-up ni Maclean Sabellina bago inangkin ni Gomez ang rebound tungo sa foul ni Siruma

 Nagpasabog naman ng 31 puntos ang Cebuana Lhuillier sa huling yugto upang ikasa ang 90-64 panalo laban sa Jr. Powerade sa ikalawang laro.

May 30 puntos si Vic Ma nuel para pamunuan ang Gems  na inangkin uli ang ikalawang puwesto sa 6-2 baraha habang ang Tigers ay nalaglag sa 2-6 para kumulimlim ang laban para makaiwas sa maagang ba­kasyon. 

vuukle comment

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERASE PLANTCENTA

GOMEZ

JR. POWERADE

MACLEAN SABELLINA

MARLON GOMEZ

PASIG CITY

STEPHEN SIRUMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with