Lady Altas pasok sa quarters

MANILA, Philippines - Natakasan ng Univer sity of Perpetual Help-DALTA System ang determinadong Southwestern University para itala ang 25-14, 25-23, 25-22 panalo at angkinin ang pang limang quarterfinal berth sa 9th Shakey’s V-League kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagtumpok sina Sandra delos Santos at Thai import Pornpimol Kunbang ng pinagsamang 30 hits para sa 2-1 record ng Lady Altas katabla ang mga quarterfinalists na ring Far Eastern University (2-1) at nagdedepensang Ateneo (4-0) sa Group A.

Pasok na rin sa quarter finals sa Group B ang San Sebastian College at (3-0) University of Sto. Tomas (3-0).

Nagdagdag naman sina Honey Tubino at April Sartin ng tig-9 points para sa Perpetual.

Matapos isuko ang first set, lumaban ang Lady Cobras sa sumunod na second at third frame bago tuluyang yumukod sa bisa ng kanilang 0-4 baraha. 

Show comments