^

PSN Palaro

Orcollo kampeon sa Hard Times 10-Ball Open

-

MANILA, Philippines - Tinanghal na kampeon si Filipino cue artist Dennis ‘Robocop’ Orcollo sa ka­tatapos na 3rd Annual Hard Times 10-Ball Open na idinaos sa Hard Times Billiards sa Bellflower, California, USA nitong Linggo.

Ito’y matapos na hiyain ni Orcollo ang kalabang si Shane ‘The South Dakota Kid’ Van Boening ng Amerika sa iskor na 11-3 sa finals.

Umahon ang tubong Bislig, Surigao del Sur sa winner’s bracket, race-to-eleven format.

Bunga ng panalo, na­ibulsa ni Orcollo ang kabuuang $8,000.

“I got my confidence after winning against Max (Eberle),” ani Orcollo, tinalo si Max Eberle ng USA, 9-2, sa kanilang semis matches.

Ito ang first major title sa taong ito ni Orcollo ma­tapos makopo ang gold medal sa nakaraang South­east Asian Games sa Indonesia.

Ang susunod na torneo ni Orcollo ay ang nalalapit na US Open 10-Ball Chall­enge sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 10. Ma­ka­kasama ni Orcollo sa pagbabandera ng Pilipinas sa Las Vegas 10-ball challenge ay sina Francisco "Django" Bustamante, Jose "Amang" Parica, Santos Sambajon, Ramon Mis­tica at Danny Petralba.

ANNUAL HARD TIMES

ASIAN GAMES

BALL CHALL

BALL OPEN

DANNY PETRALBA

HARD TIMES BILLIARDS

LAS VEGAS

ORCOLLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with