Matapos manalo kay Cotto, Mayweather gusto nang labanan si Pacman
MANILA, Philippines - Matapos talunin si Miguel Cotto via unanimous decision kahapon, sinabi naman ni Floyd Mayweather, Jr. na gusto na niyang labanan si Manny Pacquiao.
Ngunit ang nagsisilbing balakid para matuloy ito ay mismong si Bob Arum ng Top Rank Promotions.
“This fight, I was looking to fight Manny Pacquiao. Bob Arum continues to stand in the way,” wika ng 35-anyos na si Mayweather matapos agawin sa 31-anyos na si Cotto ang suot nitong World Boxing Association (WBA) super welterweight crown sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. “Let's see what the fans want, let's make that fight happen.”
Tatlong beses nabasura ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight dahil sa isyu sa hatian sa prize money hanggang sa pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at urine testing.
Bago labanan ang 33-anyos na Filipino world eight-division champion, sinabi ni Mayweather na kailangan munang dumaan si Pacquiao sa drug at urine test.
“I've been trying to make the fight. Miguel Cotto didn't have a problem taking random blood and urine tests, so why can't Manny Pacquiao," ani Mayweather.
Binigyan si Mayweather ng dalawang judges ng 117-111 points, habang ang isa naman ay 118-110 para sa kanyang unanimous decision win kay Cotto, tinalo ni Pacquiao via 12th-round TKO noong Marso 2010 para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight title.
“You’re a hell of a champion,” sabi ni Mayweather kay Cotto matapos ang laban.
Sa Hunyo 6 nakatakdang pagsilbihan ni Mayweather sa isang county jail ang kanyang three-month sentence dahil sa kasong domestic abuse.
- Latest
- Trending