76ers naka-dalawa na sa Bulls
PHILADELPHIA--Binanderahan ni Spencer Hawes ang pagbangon ng Philadelphia 76ers sa fourth quarter para talunin ang Chicago Bulls, 79-74, at angkinin ang 2-1 bentahe sa kanilang first-round playoffs series.
Ang go-ahead jumper ni Hawes sa loob ng 3-point area ang nagbigay sa Sixers ng lamang matapos rumesbak mula sa isang 14-point deficit laban sa Bulls.
Kinuha ng 76ers ang Game 2 sa Chicago kung saan muling nagkaroon ng injury si Derrick Rose sa fourth quarter at tuluyan nang hindi na makakalaro sa kabuuan ng season.
Isang ankle injury naman ang nalasap ni Chicago center Joakim Noah kahapon.
Nakatakda ang Game 4 sa Linggo sa Philadelphia.
Nagtala si Hawes ng 21 points, nine rebounds at nagsalpak ng isang tres sa huling 2:11 ng fourth quarter para ibigay sa Sixers ang kanilang unang kalamangan matapos sa halftime.
Humugot si Hawes ng 10 points sa fourth period para tiyakin ang panalo ng Philadelphia.
Sa Boston, bumalik si Rajon Rondo mula sa isang one-game suspension para itala ang kanyang pang pitong career playoff triple-double buhat sa paggiya sa Celtics sa 90-84 overtime win laban sa Atlanta Hawks at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.
Kumolekta si Rondo ng 17 points, 14 rebounds at 12 assists para sa Celtics.
Sa Denver, umiskor si Ty Lawson ng 25 points upang tulungan ang Nuggets sa 99-84 tagumpay kontra sa Los Angeles Lakers at idikit sa 1-2 ang kanilang serye.
- Latest
- Trending