^

PSN Palaro

Parker ibinigay sa Spurs ang 2-0 lead

-

SAN ANTONIO -- Nagtala ang San Antonio Spurs ng isang 36-point lead sa third quarter at hindi na ni­lingon pa ang Utah Jazz patungo sa kanilang 114-83 panalo sa Game 2 at angkinin ang 2-0 lead sa kanilang first-round playoff series.

Umiskor si Tony Parker ng 18 points para pangunahan ang Spurs, naghulog ng isang 20-0 bomba sa second quarter laban sa Jazz.

Ang pinakamapait na kabiguang nalasap ng Utah ay sa isang 42-point loss sa Chicago Bulls ni Michael Jordan noong 1998.

Ang Game 3 ay naka­takda sa Sabado sa Salt Lake City.

Ito ang unang pagkaka­taon na humawak ang Spurs ng isang 2-0 bentahe sa isang serye matapos noong 2008 playoffs kontra sa Phoenix Suns kung saan sila nanaig.

Ito ang pang 12 sunod na panalo ng Spurs matapos isuko ang dalawang 11-game winning streaks ngayong season nang hindi palaruin sina Parker, Tim Duncan at Manu Ginobili.

Tumapos si Duncan na may 12 points at 13 re­bounds.

Sa Orlando, Florida, tinalo ng Indiana Pacers ang Magic, 97-74, upang angkinin ang 2-1 lamang sa kanilang serye.

Sa Memphis, umiskor si Rudy gay ng 21 points, habang humugot naman si O.J. Mayo ng 10 sa kanyang 20 markers sa fourth quarter para ihatid ang Grizzlies sa 105-98 panalo kontra sa Los Angeles Clippers at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

ANG GAME

CHICAGO BULLS

INDIANA PACERS

LOS ANGELES CLIPPERS

MANU GINOBILI

MICHAEL JORDAN

PHOENIX SUNS

SA MEMPHIS

SA ORLANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with