^

PSN Palaro

2 titulo kay Bustamante

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ipinamalas ni Francisco “Django” Bustamante ang angking husay sa paglalaro ng bilyar nang tuhugin ang One Pocket at 10-ball na pinaglabanan sa 2012 West Coast Challenge na nilaro sa California Billiard Club, Mountain View, California.

Hindi nakalasap ng talo si Bustamante sa dalawang events na ito at inangkin ang kampeonato sa One Pocket laban kay John Schmidt, 4-2, habang si Raj Hundal ang kanyang sinibak sa finals ng 10-ball, 8-4.

Ang magkasunod na panalo sa isang torneo ay nagpasok ng kabuuang $8,200 para kay Bustamante dahil $3000 ang premyo sa One Pocket at $5,200 ang sa 10-ball.  

 Sa kabuuan, si Bustamante ay may napanalunan ng $12,525 premyo matapos ang walong torneo.

Si Schmidt ay nagbulsa ng $2,700 habang $3,700 ang kay Hundal para sa 2nd placer.

Lumahok din si Jose “Amang” Parica sa One Pocket at nalagay sa pagsosyo sa 9th hanggang 12th puwesto para sa $200 premyo.

BUSTAMANTE

CALIFORNIA BILLIARD CLUB

DJANGO

HUNDAL

JOHN SCHMIDT

MOUNTAIN VIEW

ONE POCKET

RAJ HUNDAL

SI SCHMIDT

WEST COAST CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with