^

PSN Palaro

Diaz namemeligro

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Tumapos lamang ang pambatong weightlifter sa kababaihan na si Hidilyn Diaz sa ikaapat na puwes­to sa idinaos na Asian Cham­pionships-Continental Olym­pic qualifying event sa Pyeong­taek, Korea mula Abril 22 hanggang 30.

Ang 20-anyos na si Diaz na nakalaro sa Beijing Olympics bilang wildcard ay nagrehistro ng 95kg. sa snatch, 122kg. sa clean and jerk para sa kabuuang 217kg. total lift sa 58kg. division.

 Ang naitala sa clean and jerk at total lift ay tuma­bon sa kanyang dating pinakamataas na 120kg. at 215kg. noong 2011 Philippine National Games sa Bacolod City.

Pero ang markang ito ay sapat lamang para malagay ang tubong Zamboanga City lifter sa pang-apat na pu­westo kasunod nina SEAG gold medalist Pimsiri Sirikaew ng Thailand, Kuo Hsing Chun ng Chinese-Taipei, at Jun Zhou ng China.

Si Sirikaew ay gumawa ng 100kg. sa snatch at 131kg. sa clean and jerk para sa 231kg. total, ang 19-anyos na si Chun ay may 98kg. sa snatch at 130kg. sa clean and jerk para sa 228kg., at si Zhou ay may 95kg. at 125kg. para sa 220kg. total.

Dahil sa nangyari, na­nga­nganib si Diaz na ‘ di ma­kalaro sa London Olympics dahil sinasabing ang unang tatlong tatapos sa bawat kate­gorya ang siyang may puwesto sa Olympics.

ASIAN CHAM

BACOLOD CITY

BEIJING OLYMPICS

CONTINENTAL OLYM

DIAZ

HIDILYN DIAZ

JUN ZHOU

KUO HSING CHUN

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with