^

PSN Palaro

Pacman pinahanga ang manonood sa sparring nila ni Provodnikov

-

MANILA, Philippines - Ginulat ni Manny Pacquiao ang mga tao nang ma­kipag-spar siya kay Russian Ruslan Provodnikov noong Huwebes sa Baguio City.

Ito ay dahilan sa nga­yong araw pa lamang sana mag­­sisimula ang sparring session nina Pacquiao at Pro­vodnikov.

Ginitla niya ang mga manonood dahil sa kanyang tiyempo nang maki­pag-spar siya kay Provodnikov.

“Manny sparred four tremendous rounds,” sabi ng kanyang chief adviser na si Mike Koncz, isa sa mga na­kapanood sa sparring ni Pacquiao.

“It was a back-and-forth sparring. The guy (Pro­vod­nikov) was a little big but it was okay. I told Manny last night I was amazed and surprised with the way he sparred. I’ve never seen him that way on his first day of sparring. His timing was great and normally it takes him a week or two to show these signs,” dagdag pa ni Koncz.

Si Provodnikov na isang certified welterweigh ay nagtungo sa Baguio noong Lunes at may bigat na 160 pounds. Ngunit hindi inintindi ng 33-anyos na si Pacquiao ang kalakihan ng Russian.

Habang nasa telepono si Koncz para sa panayam, si Pacquiao ay nasa gitna ng pag-eensayo.

Ayon kay Koncz, nakatakdang bumaba si Pacquiao sa Maynila sa Huwebes at makikipag-spar sa Sabado bago bumiyahe sa Los Angeles kinagabihan.

Sa kanilang pagdating sa LA, mas bibigat pa ang training ni Pacquiao sa Wild Card Gym kung saan kumuha si trainer Freddie Roach ng dalawa pang sparring partners.

vuukle comment

BAGUIO CITY

FREDDIE ROACH

HUWEBES

KONCZ

LOS ANGELES

MIKE KONCZ

PACQUIAO

RUSSIAN RUSLAN PROVODNIKOV

SHY

SI PROVODNIKOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with