Pacquiao kailangan ng ibang estratehiya
MANILA, Philippines - Maski na ilang beses panoorin nina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach ang mga fight tapes ni Timothy Bradley, Jr. ay kailangan pa rin nilang maghanda ng ibang estratehiya.
Ito ang payo ni Nazim Richardson, trainer ni Sugar Shane Mosley na tinalo ni Pacquiao via unanimous decision noong Mayo ng 2011, sa Team Pacquiao.
“I’ve known Timmy since he was a kid, too. The beautiful thing about Timmy is that nothing you see on tape or DVD shows you Timmy Bradley,” ani Richardson kay Bradley.
Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Marami ang naniniwalang mananalo ang 33-anyos na Filipino world eight-division champion kontra sa 28-anyos na kasalukuyang WBO light welterweight titlist.
“You can watch him on DVD, and you can see well I can counter his hook, and I can counter his right hand, and I can do this, and I can do that. So that’s where Tim is tough,” wika ni Richardson sa American challenger.
Ngunit sa huli ay kinampihan pa rin ng trainer si Pacquiao.
Bagamat bukas pa sana ang pagsisimula ng kanilang sparring session, nakipagsabayan na si Pacquiao kay sparmate Ruslan Provodnikov sa loob ng four rounds noong Huwebes kung saan nagtamo ang Russian ng bukol sa ilalim ng kanyang kanang mata.
- Latest
- Trending