^

PSN Palaro

NLEX may misyon sa erase Plantcenta

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magpapalakas pa ang NLEX sa hanga­ring makuha ang isa sa da­la­wang awtomatikong pu­wes­to sa semifinals sa pag­bangga sa Erase Plantcenta sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang nasabing pagtu­tuos ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon at ang Road Warriors ay aasin­ta sa kanilang ika­anim na sunod na pana­lo upang palawigin sa dalawang laro ang agwat sa mga naghahabol na Cebuana Lhuillier, Big Chill at Blacwater Sports na may 4-2 karta.

 Tulad sa mga naunang mga laro ay angat na angat ang lakas ng Road Warriors sa Erasers kahit hindi pa rin magagamit ang serbisyo nina Calvin Abueva at Ian Sangalang na nasa US kasama ang San Sebastian team para magsanay.

“Nag-i-improve ang Erase sa bawat laro at ga­ling din sila sa magandang panalo. Kaya hindi kami pu­wedeng magpabaya dahil lahat ng teams na ka­sali ay maaring manalo sa kanilang mga kalaban,” wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez.

Ang Erasers ay mayroong 2-3 karta at nanga­ngailangan ng panalo para tumibay din ang asam na puwesto sa quarterfinals.

Ikaapat na sunod na panalo naman ang nakataya sa RnW Pacific Pipes sa pagharap sa Cagayan Ri­sing Suns sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.

Tinabunan na ng Steel Masters ang 0-2 start at hu­ling tinalo ay ang CafeFrance, 89-75.

Unang panalo pa rin ang asam ng bagitong Suns at hindi dapat magpabaya ang Steel Masters dahil sa huling laro ng Cagayan ay pinakaba nila ang Boracay Rum bago isinuko ang 65-67 pagkatalo.

ANG ERASERS

BIG CHILL

BLACWATER SPORTS

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN RI

CALVIN ABUEVA

ROAD WARRIORS

SHY

STEEL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with