^

PSN Palaro

Fazekas nagbida sa panalo ng Beermen

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sinandalan ng San Mi­guel Beermen ang husay ni Nick Fazekas sa huling yugto upang kunin ang ma­higpit na 68-64 panalo sa Jobstreet.com Singapore Slingers sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Malamig ang laro ng Beermen upang maiwanan sila ng 10 puntos matapos ang unang minuto ng hu­­ling yugto, 46-56, ba­go nag-init ang 6’11 na si Fazekas na hindi lamang umiskor kundi humablot pa ng rebounds at bumutata ng mga buslo ng kalaban.

“I expect solid game from Nick and also with Duke because they are high caliber imports,” wika ni Beermen coach Bobby Ray Parks Sr.

Si Fazekas ang nanguna sa Beermen sa kanyang 23 puntos, 19 rebound at 3 blocks at 12 puntos, 8 boards at 3 blocks ang ginawa nito sa huling 10 minuto ng yugto.

Nakatulong din ang tres ni Leo Avenido na nalimitahan lamang sa walong puntos ng dating koponan, dahil ang buslong ito ang siyang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa home team, 62-61.

Huling hirit ng Slingers ay ang malayong tres ni Don Dulay para itabla sa 64-ang iskor pero nagtulong sina Fazekas at Chris Banchero ay nagsanib sa sunod na apat na puntos ng Beermen para sa 68-64 kalamangan may 12 segundo sa orasan.

Si Banchero ay mayro­ong 13 puntos at 5 assists habang 11 puntos at 7 re­bounds ang ibinigay ni Duke Crews at ang Beermen ay mayroon ngayong 5-game winning streak upang palawigin ang kapit sa liderato sa 15-4 karta.

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS SR.

CHRIS BANCHERO

DON DULAY

DUKE CREWS

FAZEKAS

LEO AVENIDO

NICK FAZEKAS

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with